"ANG AMBISYOSANG SI TORING"
Si Toring ay isang magandang babaeng edukada, may magandang buhay, at maraming manliligaw, ngunit sa lahat ng mga lalaking dumating sa kanyang buhay ay isa lamang ang nagtagumpay sa kanyang puso at pinakasalan siya at ang lalaking iyon ay nagngangalang Lope. Nagkaron kami ng dula-dulaan noong July8, 2010 na ang naging tema ay DAPAT PA BANG MAGSAMA ANG MAG-ASAWANG HIND NA NAGKAKASUNDO? Ako, si Aurea at si Marlo ang magkakasama para sa dula-dulaan. Si Aurea ang gumanap na Toring, si Marlo naman si Lope at ako naman ang gumanap na Cecilia, ang kabit ni Lope. Ipinakita namin ang realidad ng buhay ng Pilipinong mag-asawa na pilit paring nagsasama kahit na wala narin namang bisa ang kanilang kasal. Ipinakita rin namin kung ano ang maaaring maging solusyon sitwasyon at sa dulo ay naghiwalay si Lope at Toring at sumama si Lope kay Ceclilia dahil para sa kanya ay walang saysay pa ang kanilang pagsasama.
No comments:
Post a Comment