"MGA IDIOMA SA AMING DULA-DULAAN"
Sa aming panibagong dula-dulaan ay nagkaron kami ng theme kung saan gagamit kami ng mga idioma sa aming script. Dalawang grupo lang sa buong section. Ang aming itinanghal ay kung saan may bagong halal na mga opisyales ng pamahalaan ng Pilipinas ngunit ayaw ng mga tao sa kanila nang malaman nila na nagkaron lang din naman ng korapsyon ang bansa simula ng sila ay umupo sa pwesto.
kwelangpinoy.com
Search This Blog
Saturday, July 24, 2010
Sunday, July 18, 2010
"Ngiti Sa Labi"
Puno ng kaligayahan, mukha mong maganda
Sa tuwing ika'y nakikita, araw ko'y lumiligaya
Makita lamang ngiti mo na puno ng saya
Ito na sa aki'y nagbibigay ginhawa
Ngunit sa iyong paglisan di alam ang gagawin
Kung paano mo ito nagawang isipin
Na ika'y tuluyang maglalaho parang bituin
Habang ako'y nakalupagi sa mga buhangin

.
Isang maliit na hugis sa paligid
Kung saan ang bagay ay nagsisimula
Dugtungan ng linya ating mamamasid
Na ito ay marami palang halaga
Maliit ka ngang tunay, tuldok na iyan
Sa pangungusap ikaw ay nakikita
Ikaw ay mahalaga kahit saan man
Kahit sa larangan ng matematika
Tunay nga na ang maliliit na bagay
Ay napakalaki ng itinutulong
Nakabubuo ng kahit anong bagay
Sa iyo, tuldok, lahat ay sinusulong
Kung saan ang bagay ay nagsisimula
Dugtungan ng linya ating mamamasid
Na ito ay marami palang halaga
Maliit ka ngang tunay, tuldok na iyan
Sa pangungusap ikaw ay nakikita
Ikaw ay mahalaga kahit saan man
Kahit sa larangan ng matematika
Tunay nga na ang maliliit na bagay
Ay napakalaki ng itinutulong
Nakabubuo ng kahit anong bagay
Sa iyo, tuldok, lahat ay sinusulong
Saturday, July 17, 2010
"SA TABI NG DAGAT"
Ito ay isa sa pinakaromantikong tula dito sa Pilipinas na sinulat ni Idelfonso Santos. Ginawan namin ito ng interpretative dance kung saan isang tao sa apat na miyembro bawat grupo ang magtutula habang siya rin ay umaarte kasama ng kanyang kasintahan at ang dalawa pang miyembro ay iniinterpret ang kanyang tinutula kaya sila ang nagsilbing salamin ng dalawa pa nilang kagrupo. Ito ang pangatlo naming activity sa Filipino. Si Joseph ang tumula at si Jaque naman ang kanyang kasintahan at kami naman ni Cedrick ang naginterpet ng tula. Buti na lang nakagawa agad kami ng step kahit isang gabi lang ung time na pwede kaming magpraktis. At least nakumpleto namin ung presentation.

"ANG AMBISYOSANG SI TORING"
Si Toring ay isang magandang babaeng edukada, may magandang buhay, at maraming manliligaw, ngunit sa lahat ng mga lalaking dumating sa kanyang buhay ay isa lamang ang nagtagumpay sa kanyang puso at pinakasalan siya at ang lalaking iyon ay nagngangalang Lope. Nagkaron kami ng dula-dulaan noong July8, 2010 na ang naging tema ay DAPAT PA BANG MAGSAMA ANG MAG-ASAWANG HIND NA NAGKAKASUNDO? Ako, si Aurea at si Marlo ang magkakasama para sa dula-dulaan. Si Aurea ang gumanap na Toring, si Marlo naman si Lope at ako naman ang gumanap na Cecilia, ang kabit ni Lope. Ipinakita namin ang realidad ng buhay ng Pilipinong mag-asawa na pilit paring nagsasama kahit na wala narin namang bisa ang kanilang kasal. Ipinakita rin namin kung ano ang maaaring maging solusyon sitwasyon at sa dulo ay naghiwalay si Lope at Toring at sumama si Lope kay Ceclilia dahil para sa kanya ay walang saysay pa ang kanilang pagsasama.

Friday, June 25, 2010
"SI DUMAY AT DAGWALEY: ang magkasintahang hindi kailanman mapaghihiwalay ng tadhana"
Nagkaroon kami ng dula-dulaan sa aming asignatura sa Filipino. Ito ay tungkol sa pagmamahalan ng pangunahing tauhan sa maikling kwentong: ANG HANDOG NI DAGWALEY" . Si DAGWALEY ang lalaking umalis sa bayan nila sa Itneg Abra upang magtungo sa lungsod para magaral. Si DUMAY naman ang kanyang kasintahan na naiwan sa kanilang lugar. Ngunit ipinangako ni Dagwaley na siya ay babalik upang sila ay magpakasal ngunit gusto niyang sirain ang kulturang kanilang nakagisnan ng kanilang tribo na pamumugot ng ulo dahil alam niyang mali ito kahit na ang pinuno ng kanilang tribo ay ama ng kanyang pinakamamahal na kasintahan. Ako ang gumanap bilang si Dagwaley at ang aking kapartner ay si Lester na gumanap bilang si Dumay. Napagisipan kong magpalit kami ng role upang maiba naman. Nakakatuwa naman ung aming performance nung araw ng June 24,2010. Basta masaya kami parehas sa aming natanggap na grado dahil binigay naman namin ung best namin.
Subscribe to:
Posts (Atom)