Search This Blog

Friday, June 25, 2010

"SI DUMAY AT DAGWALEY: ang magkasintahang hindi kailanman mapaghihiwalay ng tadhana"

Nagkaroon kami ng dula-dulaan sa aming asignatura sa Filipino. Ito ay tungkol sa pagmamahalan ng pangunahing tauhan sa maikling kwentong: ANG HANDOG NI DAGWALEY" . Si DAGWALEY ang lalaking umalis sa bayan nila sa Itneg Abra upang magtungo sa lungsod para magaral. Si DUMAY naman ang kanyang kasintahan na naiwan sa kanilang lugar. Ngunit ipinangako ni Dagwaley na siya ay babalik upang sila ay magpakasal ngunit gusto niyang sirain ang kulturang kanilang nakagisnan ng kanilang tribo na pamumugot ng ulo dahil alam niyang mali ito kahit na ang pinuno ng kanilang tribo ay ama ng kanyang pinakamamahal na kasintahan. Ako ang gumanap bilang si Dagwaley at ang aking kapartner ay si Lester na gumanap bilang si Dumay. Napagisipan kong magpalit kami ng role upang maiba naman. Nakakatuwa naman ung aming performance nung araw ng June 24,2010. Basta masaya kami parehas sa aming natanggap na grado dahil binigay naman namin ung best namin.